July 24, 2026

Home BALITA National

Atty. Kapunan sa susunod na trial: 'Magdala kayo ng piattos, ensaymada!'

Atty. Kapunan sa susunod na trial: 'Magdala kayo ng piattos, ensaymada!'
Photo courtesy: HOR

Pumatutsada ang private prosecutor at legal counsel ng House prosecution panel na si Atty. Lorna Kapunan na magdala o kumain ng piattos at ensaymada ang publiko sa susunod na Senate impeachment trial. 

Matatandaang ang pangalang “Mary Grace Piattos” ang isa sa mga kontrobersyal na nakatakda umanong tatayo bilang testigo ng prosecution team para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. 

Kasama kasi ang naturang pangalan sa listahan ng mga resibong isinumite ng Office of the Vice President (OVP) noon sa Commission on Audit (COA) para sa liquidation nila sa maanomalyang ₱125 milyong na confidential funds na naubos umano sa loob umano ng 11 na araw noong Disyembre 2022. 

KAUGNAY NA BALITA: Pagiging totoo o 'di totoo ni 'Mary Grace Piattos,' smoking gun sa impeachment—Ridon

Sa naging pahayag ni Kapunan sa panayam sa kaniya ng isang TV station noong Huwebes, Hulyo 23, 2026, sinabi niyang magiging masaya umano ang kasunod na impeachment trial na nakapetsa sa darating na Hulyo 29. 

National

Kahandaan ng PNP sa SONA: 'Almost 100% na tayo!'

Paalala ni Kapunan, bumili at magdala ang publiko ng popular na potato chip brand na “piattos” at ensaymada upang malibang ang mga ito sa panonood ng kasunod na pagdinig sa Korte. 

“Bumili na lang kayo—ang gawin n’yo para ma-entertain kayo, magdala kayo ng piattos,” pagsisimula niya. 

Pahabol pa niya, “At saka ensaymada.” 

Pagpapatuloy ni Kapunan, makatutulong daw ang mga nabanggit na pagkain upang hindi magutom ang publiko sa mga susunod na mga testimonya sa loob ng Korte laban kay VP Sara. 

“Para hindi kayo magutom sa haba ng testimonya,” pagtatapos pa niya. 

Kasunod nang magiging sentro ng usapan sa impeachment court ang Article I ng Articles of Impeachment na nakatuon sa umano’y culpable violation sa Konstitusyon, graft and corruption, at betrayal of the public trust ng Bise Presidente, kaugnay sa alegasyong misuse and irregular disbursement ng confidential funds ng OVP noon. 

Nakatakdang iharap ng prosecution team ang mga testigo nilang dating mga branch manager ng Land Bank of the Philippines (LandBank) na sina Violeta Constantino at Nenita Camposano. 

KAUGNAY NA BALITA:Resbak ni Castro kay Padilla: Pag convicted ng crime, dapat di ka na maging senator-judge?