July 27, 2026

Home BALITA Probinsya

‘False alarm’ sa San Jose National High School, nagdulot ng panic; mga estudyante, pinayagang umuwi

‘False alarm’ sa San Jose National High School, nagdulot ng panic; mga estudyante, pinayagang umuwi
Photo courtesy: Tacloban City Information Office (FB)

Muling nagulantang ang mga mag-aaral ng San Jose National High School sa Tacloban City matapos umugong ang isang “false alarm” sa kanilang paaralan nitong umaga ng Biyernes, Hulyo 24. 

Batay sa ulat ng Tacloban City Police Office (TCPO), ilang mag-aaral ang lumabas palabas ng paaralan matapos makarinig ng sigawan na nagmula sa isang field activity. 

Dahil sa agarang pagresponde ng TCPO kasama ang mga personnel mula sa Tacloban City Rescue Unit (TACRU), Bureau of Fire Protection (BFP), at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), naideklarang “under control” ang nasabing false alarm. 

Habang ang mga mag-aaral naman ay nalapatan ng first aid at natiyak ang kanilang kaligtasan. 

Bilang precautionary measure, ang mga mag-aaral ay pinayagan ding umuwi matapos ang insidente. 

Probinsya

Number coding, hindi suspendido sa SONA—MMDA

Matatandaang naganap ang trahedyang school shooting sa parehong paaralan noong Hunyo, matapos itong pasukin ng dalawang armadong menor de edad, na nagdulot ng pagkasawi ng tatlong mag-aaral at pagkasugat ng iba pa. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City

Dahil na rin sa karumaldumal na pangyayaring ito, matatandaang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na ilang mag-aaral ng San Jose National High School ang nagnanais nang lumipat ng ibang paaralan. 

MAKI-BALITA: Ilang estudyante sa eskwelahang nasangkot sa school shooting, gusto nang lumipat!