April 11, 2026

Home BALITA National

LTO, nag-implementa na rin ng 4-day work week

LTO, nag-implementa na rin ng 4-day work week
Photo courtesy: MB

Nag-implementa na rin ng four-day work week set up ang Land Transportation Office (LTO) bilang tugon ng pamahalaan sa nagpapatuloy na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo. 

Batay sa anunsyo ng LTO nitong Biyernes, Abril 10, lahat ng kanilang “non-client facing units” ay nasa opisina tuwing Lunes hanggang Huwebes habang “work from home” naman ang mga ito tuwing Biyernes. 

Ang kanila namang “frontline services” ay mananatiling bukas ang opisina mula Lunes hanggang Biyernes, kaya tiyak na magpapatuloy nang walang palya ang mga transaksyon tulad ng driver’s licensing, motor vehicle registration, at adjudication

Samantala, matatandaang unang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pansamantalang pagpapatupad ng four-day work week sa mga piling opisina sa pamahalaan noong Marso 6. 

Kasama rin sa direktibang ito ang pagbabawas sa konsumo ng petrolyo at kuryente ng sampu hanggang 20% sa mga ahensya. 

National

Usec. Castro sa 'good luck' ni VP Sara kay PBBM: 'An idle mind is the devil's playground'

Gayundin ang pagbabawal ng mga biyahe at aktibidad na hindi kinakailangan gaya ng study tour, team-building activities, o iba pang pagpupulong na maaaring gawing online. 

MAKI-BALITA: 4-day workweek, pansamantalang ipatutupad sa ilang executive offices ng pamahalaan

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Updated schedule ng mga ahensyang saklaw ng ‘4-day work week’