April 05, 2026

Home BALITA Eleksyon

Mayor Leni, dedma muna sa panawagang 'come back'

Mayor Leni, dedma muna sa panawagang 'come back'
Photo Courtesy: Leni Robredo (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo kaugnay sa panawagan ng publiko na bumalik siya sa pambansang posisyon. 

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast journalist at “TV Patrol” news anchor Bernadette Sembrano noong Sabado, Marso 28, sinabi ni Robredo na hindi raw niya muna pinapansin ang tila pangungulit ng marami.

“Hindi ko muna pinapansin. Kasi ayaw kong ma-distract ako from what I’m doing now. Ang obligasyon ko first and foremost, Naga,” saad ni Leni.

Sundot naman ni Bernadette, “But for sure, tatakbo ka ulit?”

“Hindi ko pa rin sigurado,” sagot ng alkalde. “Hindi ako politikong pinagpaplanuhan ‘yong susunod, e. Wherever the road takes me. Pero ang importante sa akin, with the mandate given to me, aayusin ko.”

Eleksyon

Comelec Chairman Garcia at ilang commissioner, susupalpalin ng impeachment complaints!

Matatandaang minsan nang nanawagan kay Robredo ang ilang indibidwal kabilang na ang noo’y running mate niya sa pagka-Bise Presidente na si Sen. Kiko Pangilinan para muling tumakbong pangulo sa 2028 elections.

Maki-Balita: Pangiilinan umapelang kumbinsihin si Robredo para tumakbo muling pangulo

Ito ay matapos ihayag ng alkalde na tila wala na siyang interes pang makisali sa nangyayaring gulo sa politikang pambansa.

Maki-Balita: 'Dito na lang ako sa Naga!'—Leni, sa gitna ng panawagang tumakbo sa 2028