April 05, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

Semana Santa devotional: Purihin ang Diyos!

Semana Santa devotional: Purihin ang Diyos!
Freepik

“Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila,‘Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos.’” - Matthew 21:9

Pumasok si Hesus sa Jerusalem na sinalubong ng papuri at sigawan ng mga tao. Sumisigaw sila ng “Hosanna,” kinikilala Siya bilang Hari.

Ngunit hindi Siya pumasok na may karangyaan o kapangyarihan, pumasok Siya nang may kababaang-loob, nakasakay sa isang asno, at bitbit ang layuning iligtas ang sangkatauhan.

Ngayong araw, inaanyayahan tayo ni Hesus na tanggapin Siya bilang Hari ng ating buhay kaakibat ang tunay na pagsunod. Ang tunay na pagtanggap sa Kaniya ay ang pagbubukas ng ating puso, pagtitiwala sa Kaniyang kalooban, at pagsunod kahit mahirap. 

Sa saya man o sakit, Ikaw Panginoon ang Hari ng aking buhay. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok