March 13, 2026

Home BALITA

Political scientist kay VP Sara: 'Boba sa basic process ng impeachment!'

Political scientist kay VP Sara: 'Boba sa basic process ng impeachment!'
Photo Courtesy: Antonio Contreras, Sara Duterte (FB)

Binanatan ng political scientist at professor na si Antonio Contreras si Vice President Sara Duterte matapos nitong palagan ang mosyon ni Akbayan Partylist Rep. Chel Dioko.

Kaugnay ito sa paglalabas ng subpoena ng House Committee on Justice upang makakuha pa ng mga ebidensyang magpapatibay sa mga alegasyon sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Maki-Balita: VP Sara, binira balak na 'subpoena' ng Kamara para sa ebidensya sa impeachment complaints niya

Sa isang Facebook post ni Contreras nitong Biyernes, Marso 13, sinabi niya ang problemang mayroon kay VP Sara.

“Ang problema kay Sara Duterte, hindi lang pagiging defensive, kundi pagiging b0b@ sa basic process ng impeachment,” saad ni Contreras.

Probinsya

Delivery rider, tinodas at pinagnakawan!

Ayon sa kaniya, ang pagtawag umanong “fishing expedition” sa apelang subpoena ni Diokno ay pagpapakita lang na tila walang alam ang Bise Presidente o nagpapanggap lang na walang alam.

Ani Contreras, “Sa impeachment proceedings, normal na normal ang request for documents, subpoenas, at additional evidence gathering.”

“Hindi ito fishing expedition. Ito mismo ang investigation phase. Paano mo i-e-evaluate kung may impeachable offense kung bawal kumuha ng ebidensya?” dugtong pa niya.

Sa kasalukuyan, deklarado na sa Kamara bilang “sufficient in form” ang dalawa sa apat na impeachment complaints laban kay VP Sara.