Kinumpirma ni Kapamilya Primetime King Coco Martin ang paparating na bagong teleserye nila ng partner niyang si Julia Montes.
Ito ay matapos niyang ianunsiyo ang pagwawakas ng action series na “FPJ’s Batang Quiapo” sa Marso 13.
Kaugnay na Balita: ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ magwawakas na!
Sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Biyernes, Pebrero 20, sinabi ni Coco na ibang-iba umano ang “Sigabo” kumpara sa dalawang nauna niyang teleseryeng “Batang Quiapo” ant “FPJ’s Ang Probinsyano.”
"Ibang-iba ang character. Ito naman siya, light. Kumbaga, nandoon 'yong comedy, action, drama, and romance. Ibang Coco naman 'yong makikita nila, ibang Julia naman 'yong makikita nila," lahad ni Coco.
Ayon sa kaniya, mabilis umanong pumayag si Julia matapos niyang ialok ang naturang proyekto.
"Inakma namin 'yong kwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon,” pagpapatuloy ng aktor. “First time namin magla-light.”
Dagdag pa niya, “Kadalasan kami ni Juls, heavy drama kami 'pag nagsama. Pasasayahin naman natin 'yong mga tahanan gabi-gabi."
Matatandaang minsan nang nagkasama ang dalawa sa “Ang Probinsyano” noong 2022. Sa katunayan, nagpaabot pa nga si Julia ng appreciation post para sa kay Coco matapos ang finale nito.
Maki-Balita: Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng 'FPJ's Ang Probinsyano'