May 22, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Kim Chiu, nagsalita sa pag-usog sa time slot ng show: 'No need to worry!'

Kim Chiu, nagsalita sa pag-usog sa time slot ng show: 'No need to worry!'
Photo courtesy: via MB

Nilinaw ni Kapamilya star Kim Chiu ang pag-isyu ng fans at supporters sa paglipat ng time slot ng "The Alibi" mula sa time slot na binakante ng "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin.

Matatandaang naiyak pa nga si Kimmy sa tuwa nang ilagay sa first slot ng Primetime Bida, pagkatapos ng "TV Patrol," ang serye nila ng katambal na si Paulo Avelino, katapat naman ng "Sang'gre: Encantadia Chronicles" ng GMA Network.

Pero sa pagpasok ng "Blood vs Duty" nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson, nausog ang time slot ng The Alibi at nailagay na sa 8:45pm.

Kinalamay naman ni Kim ang mga tagahanga at ipinaliwanag na una pa lang, sinabi na sa kanila na talagang ilalagay ang The Alibi sa third slot.

Mangyayari ito kapag handa na for airing ang "Sigabo" nina Coco Martin at Julia Montes, na tiyak na ilalagay sa unang slot.

Teleserye

Ivana, windang sa halik ni Joshua: 'Grabe kang sumipsip!’

"Ola!! I’ve been reading your comments here on X about the time slot and I just want to reassure you all—no need to worry. From the very beginning, we already knew that The Alibi would be on the 3rd slot," ani Kim sa kaniyang X post noong Sabado, Marso 28.

"There were just some unforeseen circumstances where another show wasn’t quite ready yet. Since The Alibi has already been completed and has been streaming on Prime since last year, we’re simply filling in the slot for a little while."

"So here we are. Everything is going according to plan, and everything is under control. Thank you for your love, patience, and nonstop support. Love you all! 8:45 here we go!!!" aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Kim Chiu (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing masyado na naman daw "mabait" si Kim at pumayag na naman sa kagustuhan ng management.

May mga gumiit pang deserve ng The Alibi ang unang slot dahil nagba-viral at pinag-uusapan ang clips nito sa social media platforms, at maganda raw ang istorya.

May mga nagbigay rin ng assurance na anumang time slot ilagay ang serye, susuportahan pa rin nila ang KimPau.

Maki-Balita: Bagong teleserye ni Coco, mauudlot; ililipat sa ibang petsa