Hinaluan ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ng kalokohan ang bersyon niya ng “Bebot” trend.
Sa latest Instagram post ni Jennylyn noong Sabado, Pebrero 14, bumungad ang pak na pak na face card niya sa video.
Ngunit gayon na lang ang gulat ng netizens nang mag-transition ang video at bumuluga ang mister niyang si Kapuso Drama King Dennis Trillo na nakabihis pambabae.
“Bebot ba kamo? Join tayo jarn!” mababasa sa caption ni Jennylyn.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Nagulat ako sa kilikili @dennistrillo @mercadojenny HAHAHAHA"
"Magkamukha naman talaga. Haaha parehong maganda "
"Nag abang ako ate! "
"Hahahaha kakatuwa naman at nakaka good vibes "
"HAHAHAHAHAHA HINDI KO KAYA!!!"
"Hahahaha di ko inexpect "
"Nurse,gising na po sila! aliw tlga kaung 2 namiss ko to!"
"The plot twist we needed! Hahaha"
Hatid ng “Bebot” trend na ito ang nostalgia ng late ‘90s at early 2000s kung kailan laganap ang Y2K aesthetics noon sa marami.
Ilang Filipino celebrities na rin ang pumatol rito kabilang sina Maris Racal, Anne Curtis, Kim Chiu, Sue Ramirez, at iba pa.