January 24, 2026

Home BALITA National

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT
Photo Courtesy: via MB, DICT

Binawi na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang desisyon nilang ipatanggal ang AI assistant na Grok ng social media platform na X (dating Twitter).

Sa inilabas na pahayag ng DICT nitong Biyernes, Enero 23, sinabi nilang kinikilala nila ang paliwanag at corrective actions ng X para resolbahin ang isyu ng Grok, partikular na ang nililikha at minamanipula nitong malalaswang larawan ng mga babae at kabataan.

“Protecting Filipino users remains our paramount concern. At the same time, we support responsible innovation and recognize the role of emerging technologies in national development, provided these technologies operate within the bounds of Philippine law and uphold human dignity.” saad ni DICT Secretary Henry Aguda.

Sabi naman ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Deputy Executive Director Renato Paraiso,  “We checked the safeguards that xAI has put in place, and we are satisfied.”

National

Mar Roxas, umalmang 'wag na siyang idamay sa politika; masaya na sa pribadong buhay!

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin umano nilang babantayan ang Grok. 

Matatandaang ilang bansa na rin ang nag-block sa Grok kabilang na ang Malaysia at Indonesia dahil sa paglabag umano nito sa online safety, child protection, at human rights standards.

Maki-Balita: Sa gitna ng planong ipatanggal ang Grok: X, nakipag-ugnayan na sa DICT atbp