January 19, 2026

Home BALITA National

Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!
Photo courtesy: via MB, PCO (FB)

Naghain ng kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., si House Deputy Minority Leader Pusong Pinoy Party-List Rep. Jett Nisay sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Andre De Jesus.

Ayon sa paliwanag ni Nisay matapos ang pagsusumite ni De Jesus ng nasabing reklamo sa House of the Representatives laban sa Pangulo nitong Lunes, Enero 19, sinabi niyang may kaugnayan ang naturang impeachment sa paglipat ng ₱60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury at iba pang mga grounds.

“Kamakailan lamang ay nagdesisyon ang Korte Suprema na ibalik [ang ₱60 bilyon ng PhilHealth] dahil po ito ay unconstitutional and void. Alam po ninyo, kung nagagamit lamang natin ang ganitong pondo sa tamang programa sa pagpapalakas ng ating Universal Healthcare System ay marami pong Pilipino ang makikinabang lalo na sa mga kababayan natin na nagkakasakit para magpagamot,” paliwanag ng mambabatas.

Dagdag pa niya, “‘Yong mga pagkakaroon ng maraming hospitals, pagkakaroon ng kumpletong equipments sa ating healthcare units. Napaka-importante din po ang pagdagdag ng benepisyo ng ating mga healthcare workers.”

National

Sen. Robin Padilla, diniin halaga ng Nat'l Minimum Wage Act

Samantala, inisa-isa rin ni De Jesus ang iba pang naging basehan umano nila sa pagdedesisyong hainan ng impeachment complaint ang Pangulo..

“Based on the ground provided by the constitution, its culpable violation of the constitution, graft and corruption, as well as betrayal of public trust,” pagsisimula niya.

Ani De Jesus, isa sa mga dahilan nila ang naging paghuli kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Court (ICC) kahit na may sariling Korte umano ang bansa.

“We are putting to question and holding the President accountable. Number one, for allowing a citizen of our country to be… kidnapped virtually and brought to a foreign land without due process despite fully functioning Courts here in the country,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa niya, ma kaugnayan din umano sa impeachment complaint ang kabiguan ng Pangulong sa pag-veto ng unprogrammed funds sa General Appropriations Act (GAA) ng national budget para sa 2026 at tungkol sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Bukod pa rito, pinuntirya rin ng abogado ang umano’y usap-usapan sa paggamit ng Pangulo sa ipinagbabawal na gamot.

“We are also putting to question the fitness of our President to still govern our country. For some, it might be laughable, for some, it might be trivial. But an allegation that our sitting President might be somehow involved in an addiction of some sort to prohibited drugs, it should be alarming,” pagdidiin niya.

Ayon pa kay De Jesus, kuwestiyonable rin daw ang hindi pagtugon o paglilinis ng kaniyang ni PBBM kaniyang sarili kaugnay sa mga usaping ito.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si PBBM kaugnay rito.

MAKI-BALITA: 'First time in a decade!' PBBM, ibinida nadiskubreng natural gas sa Malampaya field

Mc Vincent Mirabuna/Balita