January 18, 2026

Home BALITA

Impeachment vs. VP Sara, mahihirapang itulak—Llamas

Impeachment vs. VP Sara, mahihirapang itulak—Llamas
Photo Courtesy: Ronald Llamas, Sara Duterte (FB)

Nagbigay ng pananaw ang political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas kaugnay sa binabalak na panibagong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Enero 12, sinabi ni Llamas na mahihirapan umanong magtagumpay sa pagkakataong ito ang nasabing impeachment.

“Ngayon na 2026 na, kahit may mag-file ng impeachment complaint sa Vice President ay 'yong hirap para ito na mag-succeed ay mas tumaas kumpara last year dahil papalapit na ang 2028 at frontliner si Vice President Sara in all survey,” saad ni Llamas.

“Ikalawa,” pagpapatuloy niya, “'yong mga banat sa Presidente ay mas tumaas kaysa do'n sa mga banat sa Vice President dahil nga dito sa nangyaring massive public works scandal.”

National

Ex-DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakabalik na sa Pilipinas—BI

Dagdag pa ng political pundit, “Ikatlo, 'yong approval rating ng Presidente ay mas mababa dramatically kaysa Vice President.”

Ngunit kumpiyansa si Llamas na malawak pa rin umano ang kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaya mas nakatutok ang probability sa Bise Presidente.

Matatandaang inihayag kamakailan ni Sen. Imee Marcos na may bagong impeachment complaint umanong ihahain laban sa Bise Presidente bago o sa Pebrero 6, 2026.

Maki-Balita: Pasabog ni Sen. Imee: Bagong impeachment case kontra kay VP Sara, ikakasa sa Feb. 6!

Samantala, hinamon naman ng kapatid ni VP Sara na si Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang mga kapuwa kongresista na huwag umanong ipasa sa taumbayan ang isang desisyong matagal nang niluto sa likod ng saradong pinto.

Maki-Balita: Rep. Pulong sa nilulutong impeachment vs VP Sara: 'Bakit minamadali?'