February 16, 2026

Home SHOWBIZ

Bing Davao, pumanaw na!

Bing Davao, pumanaw na!
Photo Courtesy: via IMDb

Sumakabilang-buhay na ang batikang aktor na si Bing Davao sa edad na sa 65.

Ayon sa ulat ng GMA News Online nitong Sabado, Disyembre 20, kinumpirma ng mga kapamilya ni Bing ang pagpanaw nito sa mismong petsang binanggit dahil sa cardiac arrest.

Napanood ang mga natatanging pagganap ng aktor sa mga pelikulang gaya ng “Kahit Butas Ng Karayom... Papasukin Ko” (1995), “Homicide Manila Police” (1989), “Matinik na Kalaban” at “Soltero” (1984).

Samantala, gumanap din siya sa mga palabas sa telebisyon kabilang na ang “Pangako Sa ‘yo” (2000-2002), “Ang Probinsyano” (2016-2017) at “Darna” (2022-2023).

Relasyon at Hiwalayan

Shaira, Kristel parehong virgin bago ikasal: 'Pinakamagandang regalo sa asawa ay purity!'

Matatandaang kapatid si Bing ng isa rin sa mga higanteng pangalan sa showbiz na walang iba kundi si Ricky Davao na namaalam na rin noong Mayo.

Kaugnay na Balita: Batikang aktor na si Ricky Davao, pumanaw na