Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang extension ng biyahe ng LRT-2 simula Martes, Disyembre 9 hanggang Disyembre 30, para matulungan ang late night commuters, shoppers, at mga manggagawa sa kanilang pagbiyahe sa pagpasok ng holiday rush.
Ayon sa pahayag ng DOTr nitong Lunes, Disyembre 8, na simula Disyembre 9, ang last train mula sa LRT-2 Antipolo Station ay hanggang 10:00 PM, habang ang last train naman mula sa LRT-2 Recto Station ay hanggang 10:30 PM.
Sa Disyembre 24 at 31, bisperas ng Pasko at Bagong Taon, susundin ang shortened service schedule.
Sa Disyembre 24, ang last train mula sa LRT-2 Antipolo Station ay hanggang 8:00 PM, habang ang last train naman mula sa LRT-2 Recto Station ay hanggang 8:30 PM.
Sa Disyembre 31, ang last train mula sa LRT-2 Antipolo Station ay hanggang 7:00 PM, habang ang last train mula sa LRT-2 Recto Station ay hanggang 7:30 PM.
Ang regular operations ng LRT-2 ay ibabalik sa Enero 1, 2026.
Sa MRT-3 naman, magkakaroon din ng shortened train schedule sa Disyembre 24 at 31.
Ang last train mula sa North Ave. ay hanggang 7:45 PM, habang ang last train naman mula sa Taft Ave. ay hanggang 8:23 PM.
Ang adjusted schedule naman ay susundin sa Disyembre 25 at Enero 1.
Ang first trip mula North Ave. at Taft Ave. ay aandar ng 6:30 AM. Habang ang last trip mula sa North Ave. ay 10:30 PM, at ang last trip mula Taft Ave. ay 11:09 PM.
Sean Antonio/BALITA