December 12, 2025

Home BALITA

VP Sara, ipinagdarasal paglaya ni FPRRD

VP Sara, ipinagdarasal paglaya ni FPRRD
Photo Courtesy: via MB

Patuloy pa ring ipinagdarasal ni Vice President Sara Duterte ang paglaya ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands. 

Sa panayam nitong Lunes, Oktubre 20, sinabi ni VP Sara na sana raw ay mabigyan pa rin ng interim release ang ama kung hindi man ganap na kalayaan.

Ani VP Sara, “Dalawa lang po ‘yong dasal ko. [...] Personal po para sa akin, wala. Humihiling lang po ako ng magandang kalusugan para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para malampasan niya ‘yong kaso do’n sa detention unit sa ICC [International Criminal Court].”

“At dinarasal ko rin po na sana mabigyan siya ng interim release o kung hindi man, total freedom mula sa kaso. At ‘yong dasal ko po para sa bayan is peaceful and prosperous Philippines, and peace and comfort for every Filipino,” dugtong pa niya.

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

Matatandaang hindi pinayagan ng (ICC) ang interim release ng dating Pangulo noong Oktubre 10. Kinuwestiyon nila ang humanitarian grounds hinggil sa medikal na kondisyon nito habang nakapiit sa kanilang kustodiya.

Maki-Balita: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC

Bukod dito, naantala rin ang pagdinig para sa confirmation of charges ni Duterte na nakatakda sanang gawin noong Setyembre 21 dahil hindi umano kayang humarap ng dating Pangulo sa paglilitis.

Ngunit ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti noong Linggo, Oktubre 19, nagtalaga na ang ICC Pre-Trial Chamber I ng tatlong panel of independent experts para suriin ang kondisyon ng kalusugan ni Duterte.

Kaya kung makukumbinse ng reports ang mga hukom na ideklara na may kakayahan si Duterte na humarap sa paglilitis, ipagpapatuloy ang pagdinig sa confirmation of charges nito sa lalong madaling panahon.

Maki-Balita: Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti