December 13, 2025

Home BALITA National

Flood control projects, iraratsada pa rin sa 2026—PBBM

Flood control projects, iraratsada pa rin sa 2026—PBBM
Photo courtesy: RTVM, PCO

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Sabado, Setyembre 27, 2025 na ang ₱300 bilyong budget na inilaan ngayong taon para sa mga flood control project ay ipagpapatuloy sa 2026.

“So, tuloy-tuloy pa rin ang magiging flood control project hanggang sa susunod na taon at mayroon naman tayo na ia-approve na flood control project. Basta’t nakita natin ay maayos ang proposal, maayos ang program of work, maayos ang completion, may acceptance ng local government. That’s the new factor that we put in,” ani PBBM.

Dagdag pa ng Pangulo, sisiguruhin ng administrasyon na magagamit nang tama ang pondo ng bayan para sa kapakanan ng mga Pilipino, at hindi na mauulit ang mga pang-aabuso sa pagpapatupad ng multi-bilyong pisong flood control at infrastructure projects.

“Titiyakin po natin na hindi na po mauulit ‘yung ating nakita. Titiyakin po natin na bawat sentimo na pera ninyo – hindi namin pera ito, pera ninyo na ibinahagi ninyo sa mga opisyal ng pamahalaan,” saad ni PBBM.

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Binigyang-diin ni Marcos na ang gobyerno ay nagsisilbing “custodianst” lamang ng buwis ng taumbayan.

Aniya, “Kami po ay kung tawagin ay ‘custodian’ lang, tiga-bantay lang kami sa pera ninyo. Hindi amin ‘yan. Sa inyo pa rin ‘yan.”

Nauna nang inatasan ng Pangulo ang paglilipat ng ₱255.5 bilyong orihinal na nakalaan para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) patungo sa mga prayoridad na programa ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Bago nito, iniutos din ni Marcos na ibalik ng lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno ang proseso ng “acceptance” ng mga local government unit bago maituring na kumpleto ang mga proyekto ng pambansang pamahalaan.

Maki-Balita: P36 bilyong pondo ng DPWH sa flood control, ililipat sa DSWD—PBBM