“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.” - Mateo 11:28
Si Hesus ang Diyos na malapit sa atin, na sa bawat pagtawag natin, Siya ay nakikinig--handang tumulong sa atin sa anumang pangangailan na ating dinadalangin. (Mga Awit 145:18)
Sa katunayan, bago pa man tayo lumuhod sa panalangin at dumulog sa Kaniya, alam na Niya ang ating hihilingin. Gayunpaman, nais Niya ring bigyan natin Siya ng oras na lumapit sa Kaniya at personal na ilatag sa Kaniyang paanan ang ating kailangan.
Sa dami ng pagsubok at problema–hindi lang sa personal na buhay kundi maging sa bansa–ang hirap nang humanap ng pahinga.
Ngunit, maraming salamat kay Hesus, na nagpapaalala na ang pahinga ay hindi lamang ang pagkuha ng sapat na tulog, pagpapahinga ng utak, at pagkain ng masasarap, kundi nasa Kaniyang presensya.
Ang kailangan lang nating gawin ay ang tawagin Siya at sambitin ang bawat kapaguran na ating nararanasan.
Sean Antonio/BALITA