December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Bea Borres, isiniwalat magiging pangalan ng anak

Bea Borres, isiniwalat magiging pangalan ng anak
Photo Courtesy: Bea Borres (FB)

Masaya ang social media personality na si Bea Borres dahil nagkaroon siya ng pagkakataong mag-anunsiyo ng impormasyong tungkol sa kaniyang pinagbubuntis na galing mismo sa kaniya at hindi sa ibang tao.

Matatandaang bago pa man niya kumpirmahin sa publiko ang tungkol dito, umugong na ang tsikang nagdadalang-tao siya.

MAKI-BALITA: Bea Borres, kumpirmadong buntis!

MAKI-BALITA: Bea Borres nag-flex ng tiyan sa gitna ng 'buntis' at 'nagpalaglag' issue

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Kaya sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 24, sinabi ni Bea kung ano ang magiging pangalan ng kaniyang soon-to-be-baby.

“She [Andrea Brillantes] texted me na, ‘Bea, sana girl ‘yong baby mo ta’s ang pangalan niya Hope,’” lahad ni Bea.

“Bakit Victoria?” tanong naman ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Sagot ni Bea, “Kasi I was at my rock bottom po pero I feel like and I know sa public na sinabi ko, punong-puno na po ako ng hope ngayon.” 

“Actually, ang full name niya is Victoria Hope. Kasi 'di ba siyempre, 'pag binigyan mo ng action 'yong hope, 'di ba victorious siya?" dugtong pa niya.

Ayon kay Bea, maglilimang buwan na umano siyang buntis nang sumalang siya sa online talk show ni Toni.