Dinipensahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla mula sa kontrobersyal niyang estilo sa pag-aanunsyo ng suspensyon sa mga klase.
Sa kaniyang press briefing sa Washington D.C. nitong Miyerkules, Hulyo 23, 2025, iginiit ni PBBM na ganoon na raw talaga magsalita si Sec. Jonvic.
“Criticize him for the way he speaks? That’s the way he speaks. As long as he gets his message across… as long as he achieves that, I’m not exactly a judge of literary style,” ani PBBM.
Giit pa ng Pangulo, “So that information is better, it’s simple to make things clearer because sometimes nagkaka-problema, hindi naman malicious, misinformed lang tapos pino-post, sinusundan ng tao.”
Matatandaang inulan ng mga reaksiyon at komento ang estilo ni Remulla matapos ang kaniyang mga nakaraang anunsyo tungkol sa suspensyon ng klase.
KAUGNAY NA BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon
Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit naman ni Sec. Jonvic na hindi niya raw intensyon na maliitin ang binabahang sitwasyon ng karamihan sa pamamagitan ng pagbibiro.
“Siguro, hindi nila ako naiintindihan. Pabiro talaga ako. Hindi ko minamaliit ang pinaghihirapan nila,” ani Remulla.
KAUGNAY NA BALITA: Depensa ni DILG Sec. Jonvic mula sa bashers: ‘Pabiro talaga ako!’