December 13, 2025

Home BALITA

VP Sara, binista ang Yolanda Mass Grave

VP Sara, binista ang Yolanda Mass Grave
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Pinuntahan ni Vice President Sara Duterte noong Abril ang mass grave sa Tacloban City kung saan nakahimlay ang mga namayapang biktima ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Sabado, Hulyo 5, sinabi niyang nag-alay umano siya ng kandila at panalangin para sa mga biktima ng nasabing sakuna.

“Nag-alay tayo ng kandila at panalangin para sa kanilang kapayapaan,” saad ng bise presidente.

Dagdag pa niya, “Sana ang nangyaring trahedya ay laging magpaalala sa atin lalo na sa ating mga naglilingkod sa gobyerno na mahalaga ang kahandaan ng ating mga lokal na pamahalaan sa mga ganitong sakuna dahil ang ating bansa ay malimit dinadaanan ng bagyo.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang ipinagawa ang naturang mass grave sa Tacloban upang bigyan ng maayos na himlayan ang libo-libong biktima sa pananalanta ng bagyong Yolanda.