Nais daw ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na makapag-iwan ng pagbabago bago tuluyang matapos ang kaniyang termino sa 2028.
Sa latest episode ng BBM Podcast na inilabas nitong Sabado, Hunyo 21, 2025, sinagot ng Pangulo kung ano raw ang gusto niyang maaalala sa kaniya ng taumbayan.
"We made a change for the better. This has been my guide in all the positions I've taken," ani Marcos.
Dagdag pa niya, "So, I absolutely insist that in 2028, when I leave this office, there are significant and tangible changes for the better in the life of each Filipino."
Sa Hulyo 28 ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni PBBM kung saan nakatakda niya muling ibida ang kaniyang mga nagawa sa loob ng apat na taong panunungkulan.
Samantala, matatandaang noong nakaraang buwan lamang nang tumagilid sa mga survey si PBBM patungkol sa trust ratings at approval ng taumbayan sa pagitan niya at nina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Mag-amang Duterte, 'most trusted' pa rin ng mga Pinoy—Pulse Asia
BASAHIN: Pagbaba ng trust at approval ratings ni PBBM, ‘dahil sa impluwensya ng fake news’— Malacañang