June 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Robin, uminit ulo kay Sen. Joel : 'Oh ano?'

Sen. Robin, uminit ulo kay Sen. Joel : 'Oh ano?'

Tila uminit ang ulo ni Sen. Robin Padilla sa kapwa senador na si Sen. Joel Villanueva, matapos nitong salungatin ang inihain ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa na i-dismiss ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. 

Sa mga kuhang video, makikitang inaawat ng mga kapwa senador si Sen. Padilla habang nakahalukipkip at sinusulyapan si Villanueva habang nasa mesa naman niya ang huli. 

"Oh ano?" maririnig na sabi ni Padilla. 

Makikitang inawat naman siya ni Dela Rosa. 

National

VP Sara 'hostage' si Sen. Imee, kailangang ibalik sa Pinas si FPRRD

Sa plenaryo sa senado ngayong Martes, Hunyo 10, pinag-uusapan na ang panunumpa o oath-taking ng senator-judges para sa nabanggit na impeachment.