June 07, 2025

Home BALITA Metro

Pasaway na Russian vlogger, 'sinuka' ng US at Russia

Pasaway na Russian vlogger, 'sinuka' ng US at Russia
Photo courtesy: Santi San Juan/MB

Hindi raw mapapa-deport mula sa Pilipinas ang nasukol na Russian vlogger na dinakip matapos "pagtripan" ang ilang mga Pinoy sa kaniyang content, dahil hindi siya tatanggapin ng Estados Unidos at Russia.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, mananatili sa Pilipinas ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na nahaharap sa multiple criminal complaints.

"We will service his sentence. Sinigurado ko po ‘yon," saad ni Remulla.

KAUGNAY NA BALITA: Russian vlogger na inireklamo ng harassment arestado na, posibleng ipa-deport pa!

Metro

65-anyos senior citizen, 2 beses umanong hinalay ang isang dalagita

Kapag napatunayang nagkasala ay maaaring makulong ang dayuhan sa loob ng 18 buwan, sa Bureau of Jail Management and Penology facility.

Nadakip si Zdorovetskiy noong Abril 2 sa Pasay City dahil sa pangha-harass umano sa ilang mga Pilipino sa BGC, Taguig para sa kaniyang content.

Abril 7 naman nang iharap siya sa media at makaharap si Remulla.

KAUGNAY NA BALITA: Dinakip na Russian vlogger, nahaharap sa patong-patong na criminal complaints