Diretsahang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na bukas siyang makipagkasundo sa Pamilya Duterte.
Sa episode 1 ng BBM Podcast nitong Lunes, Mayo 19, itinanong ng host na si Anthony Taberna ang tungkol sa kagustuhan pa ni PBBM na makipagsundo sa mga Duterte.
"Mr. President, kayo po ba sa puso ninyo, gusto n'yo po bang makipagkasundo pa sa mga Duterte?" tanong ni Taberna.
"Oo. Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo lahat ng tao. Marami na akong kaaway, hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko ng kaibigan," sagot ng pangulo.
"Ewan ko. Hangga't maaari ako ang habol ko ay stability, peaceful para magawa namin 'yong trabaho namin.
"Kaya ako lagi akong bukas sa ganyan. I'm always open to any approach na 'halika magtulungan tayo.' Kahit hindi tayo magkasundo sa polisya, gawin 'yong trabaho pero huwag na tayong nanggugulo. Tanggalin natin 'yong gulo," giit pa ni Marcos.
Matatandaan nauna na ring sinabi ni Marcos na bukas pa rin siyang makipagbati kay Vice President Sara Duterte matapos ang umano’y “assassination plot” nito laban sa kaniya.
MAKI-BALITA: ‘Never say never!’ PBBM, ‘di sinasara pakikipagbati kay VP Sara
Mga kaugnay na Balita:
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM
MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM
MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!
MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'
MAKI-BALITA: VP Sara, sang-ayon sa 'assumption' ni FPRRD na 'drug addict' si PBBM
MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM
MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’
MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD