December 09, 2024

Home BALITA National

‘Never say never!’ PBBM, ‘di sinasara pakikipagbati kay VP Sara

‘Never say never!’ PBBM, ‘di sinasara pakikipagbati kay VP Sara
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Photo: VP Sara/FB)

Bukas pa rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pakikipagbati kay Vice President Sara Duterte matapos ang umano’y “assassination plot” nito laban sa kaniya.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Nobyembre 29, tinanong si Marcos kung umabot na ba sa “point of no return” ang alitan nila ni Duterte.

“Never say never,” sagot ng pangulo.

Nauna nang sinabi ni Duterte sa isang press briefing noong Miyerkules, Nobyembre 27, na narating na ng kanilang nasirang alyansa ang “point of no return.”

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“I believe we reached the point of no return and it is clear na they are really going after me,” saad ni Duterte.

Sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections.

Matatandaang noong Sabado, Nobyembre 23, nang isiwalat ni Duterte na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Binuweltahan naman ni Marcos ang pahayag ni Duterte at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Samantala, nilinaw naman ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’