May 09, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ryzza Mae Dizon, inendorso si Tito Sotto

Ryzza Mae Dizon, inendorso si Tito Sotto
Photo Courtesy: Ryzza Mae Dizon (FB)

Naghayag ng suporta si dating “Little Miss Philippines” at “Eat Bulaga” host Ryzza Mae Dizon sa kandidatura ni senatorial aspirant Tito Sotto.

Sa isang Facebook post ni Ryzza noong Huwebes, Mayo 8, inilarawan niya ang katangian ni Sotto bilang isang senador.

“Never late, never absent! ‘Yan ang senador ko! Tito Sotto #59 sa balota ” saad ni Ryzza sa caption.

Bukod kay Ryzza, inendorso rin si Sotto ng aktres at dancer na si Maja Salvador.

Eleksyon

5 kandidatong senador na nasa final pre-election survey, 'very likely' lumusot sa Magic 12 —OCTA

MAKI-BALITA: Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

“Ang senador na maaasahan ng bawat pamilyang Pilipino; ang ating Dabarkads, Senator Tito Sotto. Number 59 sa balota,” saad ni Maja.

Matatandaang nagsilbi si Sotto bilang Senate Presidente mula 2018 hanggang 2022. Nagsimula ang karera niya sa politika nang mahalal siyang vice mayor sa Quezon City noong 1988.

Tumakbo rin si Sotto bilang bise-presidente noong 2022 presidential elections kasama ang running mate na si Panfilo Lacson ngunit bigo silang nahalal sa posisyon.