May 04, 2025

Home BALITA

Kung walang farmer, walang teacher—Pangilinan

Kung walang farmer, walang teacher—Pangilinan
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

Nagbigay ng pahayag si senatorial aspirant Atty. Kiko Pangilinan hinggil sa halaga ng mga magsasaka sa isang bansa.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” ni Ogie Diaz kamakailan, binanggit ni Pangilinan na hindi magkakaroon ng mga gurong lumilikha ng iba’t ibang propesyon kung wala ang mga magsasakang nagsusuplay ng pagkain. 

Aniya, “Sabi nga ng isa, importante ang pagiging teacher. Noble profession. Bakit? Kasi kung walang teacher, walang engineer, walang doktor, walang abogado. So salamat sa mga teacher.”

“Pero napaisip ako,” pasubali ni Pangilinan, “totoo naman noble ang pagiging teacher at salamat sa kanila. Pero kung walang farmer, walang teacher. Kasi wala silang kakainin.”

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Kaya ayon sa kaniya, ang usapin ng farming ay hindi lang dapat limitado sa mga magsasaka.

Matatandaang isa sa pangunahing isinusulong ng kandidatura ni Pangilinan ay ang kapakanan ng mga magsasaka at pagpapababa sa presyo ng pagkain.

MAKI-BALITA: 'Totoong farm at hindi troll farms!' Kiko, nais isulong pondo para sa mga magsasaka

MAKI-BALITA: Kapag nahalal bilang senador: Pangilinan, tututok sa pagpapababa ng presyo ng pagkain