Tila hindi inatrasan ni beauty queen-actres at “Binibining Marikit” star Herlene Budol ang “explosive sausage challenge.”
Sa isang Instagram reels ni Herlene kamakailan, inilarawan niya muna ang sausage bago tuluyang kinagat.
“Ang liit lang pala niya sa personal. 'Yong amoy niya is very good. Mukhang amoy masarap," saad ni Herlene.
Pagkatapos matikman ang sausage, nasarapan naman siya at tila hindi nagsisi sa pagpatol sa naturang challenge.
Aniya, “Para siyang condensada. Sarap. Kung 'di lang dahil do'n sa tumatalsik, masarap 'yong mismong sausage.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ano ba nsa isip nyo "
"bat lahat tinaggalan m ng cheese haha"
"my brain is braining ateccooo! "
"Gandang babae, baboy kumain. "
"Parang namang nilabasan "
"Tumataba ka na Herlene "
"ganda mo ate herlene!!"
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 7K likes at 472K views ang video ni Herlene.