March 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga
(Courtesy: Makabayan Coalition/FB)

Winelcome ni dating Vice President Leni Robredo ang ilang senatorial bets ng Makabayan Coalition sa Naga City, Camarines Sur.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Makabayan President Liza Maza ang ilang mga larawan ng kanilang naging pangangampanya sa Naga City nitong Biyernes, Marso 21, kung saan nakasama nila sa isang pagpupulong si Robredo.

Kasama ni Maza sa Makabayan bets na nakadaupang-palad ng dating bise sa Naga sina Kilusang Mayo Uno Secretary-General Jerome Adonis at Filipino Nurses United Founding Secretary-General Alyn Andamo.

Dumalo rin sa pagpupulong ang Makabayan party-list groups na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, ACT Teachers, at Kabataan.

Eleksyon

Sen. Gatchalian, inendorso si Pangilinan: ‘Marami siyang maitutulong sa ating bansa!’

Sa naturang meeting ay ibinahagi ng Makabayan bets kay Robredo ang kanilang mga plataporma para sa bansa at mga isusulong na panukala kung maluklok sila sa pagkasenador.

Inihayag naman ni Robredo ang kaniyang mga programang nais ipatupad sa Naga City kung mananalo siyang alkalde rito sa darating na halalan.

Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.