Isang makahulugang post ang ibinahagi ng aktor na si Jake Ejercito matapos ang pagkaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa latest Facebook post ni Jake nitong Martes, Marso 11, makikita ang art card kung saan naroon ang mukha ni Kian Delos Santos at ang mga huling salitang binitawan nito bago patayin.
“Ang mali ay may bayad, at ngayon na ang singilan,” saad ni Jake sa caption.
Matatandaang kinumpirma na ng Malacañang nito ring Martes na natanggap na raw ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte.
Ang nasabing arrest warrant na inihain kay Duterte ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Batay sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang