April 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

McCoy De Leon, nilalapitan ng tukso?

McCoy De Leon, nilalapitan ng tukso?
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Nausisa si “FPJ’s Batang Quiapo” star McCoy De Leon tungkol sa mga tuksong lumalapit umano sa kaniya.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Martes, Pebrero 25, sinabi ni McCoy na wala na raw siyang isyu.

“Wala. Trabaho pa rin nang trabaho. [...] Wala na akong isyu,” natatawang saad ni McCoy.

Sabi naman ni Ogie, “Pasensya ka na ‘pag magandang lalaki talagang wala, e. Lapitin. Kasi kung pangit ka palagay mo itatanong ko sa ‘yo ‘to?” 

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Matatandaang sa isang episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Oktubre 2024 ay inispluk ni Ogie ang tungkol sa mensaheng natanggap niya na may iba umanong babaeng kinakalantari si McCoy.

MAKI-BALITA: McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

Bukod dito ay lumutang din noong Disyembre 2024 ang tsikang nahuli raw ni McCoy ang partner niyang si Elisse Joson na ka-MOMOL si Joshua Garcia.

MAKI-BALITA: Joshua at Elisse nahuli raw nagmo-MOMOL, McCoy galit na galit?