Nagpaabot ng pagbati si dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa para sa kaarawan ng kapuwa niya senador na si Risa Hontiveros.
Sa video statement ni Dela Rosa nitong Lunes, Pebrero 24, hiniling niya ang kaligayahan ni Hontiveros at ang pagpapala para sa kaniyang kapuwa senador.
“Sana maligaya ka sa ‘yong kaarawan, Mistah, at pagpalain ka pa ng Poong Maykapal lalong-lalo na sa ‘yong patuloy na pagseserbisyo sa ating mga kababayan,” saad ni Dela Rosa.
Dagdag pa niya, “Happy birthday, Mistah. Happy birthday, Senador Risa Hontiveros.”
Bukod kay Dela Rosa, binati rin siya nina Senate President Chiz Escudero at iba pang kasamahan sa Senado tulad nina Win Gatchalian, Koko Pimentel, Migz Zubiri, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, at Nancy Binay.
“Maraming salamat sa aking mga kasama sa Senado sa pagbati! ” tugon naman ni Hontiveros.