Tila bumabawi ang surfer na si Philmar Alipayo sa partner niyang si Andi Eigenmann matapos kontroberisyal na isyu ng “couple tattoo.”
Sa Instagram reels ng Island Tattoo Piercing Studio kamakailan, mapapanood ang pagpapa-tattoo nina Philmar at Andi sa braso.
“Another tattoo sessions with the power couple @andieigengirl & @chepoxz we couldn’t be more stoked to have them back together with Lilo & Koa” saad sa caption.
Matatandaang kamakailan lang ay pinag-usapan sa social media ang pagpapa-tattoo ni Philmar at ng afam na kaibigan nitong si Pernilla Sjoö.
MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar
Ngunit noong Pebrero 10 ay sinabi ni Philmar sa pamamagitan ng Facebook reels na nagkaayos na raw sila ni Andi.
MAKI-BALITA: Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann
In fact, ibinahagi pa nga ni Andi noong Pebrero 18 ang bonding moment nila ng mga anak kasama si Philmar.
MAKI-BALITA: 'Okay na talaga!' Andi at Philmar, nag-bonding kasama ang mga anak