Na-hack ang X (dating Twitter) ni dating Vice President Leni Robredo nitong Lunes, Pebrero 17.
Sa kaniyang opisyal na Facebook post, nagbabala si Robredo sa publikong huwag pansinin ang lahat ng mga post sa kaniyang X account dahil na-hack daw ito.
“My X (Twitter) account was hacked. Please ignore all posts while I am trying to gain control of the account again,” ani Robredo.
Samantala, nag-share din ang anak ng dating bise presidente na si Aika ng isang post para ianunsyong ang lahat ng bagong post sa naturang X account ay mula sa hacker..
“@lenirobredo’s account has been hacked. The tweet below is not hers. Her team is currently working on regaining access. Please be warned, and thank you,” saad ni Aika.
Makikita naman sa ngayo’y burado nang post ng hacker ang pagpo-promote nito sa cryptocurrency.
Habang sinusulat ito’y wala pang update kung na-recover na ang account ni Robredo.
Si Robredo ang naging bise presidente ng bansa mula 2016 hanggang 2022.