Yumanig ang magnitude 4.5 na lindol sa Cagayan nitong Miyerkules ng umaga, Pebrero 12, ayon sa Phivolcs.
Sa datos ng ahensya, nangyari ang lindol bandang 7:18 ng umaga sa Santa Praxedes, Cagayan, na may lalim na 13 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng naturang lindol.
Naitala ang Intensity II sa Bacarra at San Nicolas sa Ilocos Norte. At instrumental intensities naman sa Laoag, Ilocos Norter (Intensity II), at Sinait, Ilocos Sur (Intensity I).
Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.