February 12, 2025

Home SHOWBIZ

Derek Ramsay, sinermunan si Andi Eigenmann: 'Ayusin mo 'yong partner mo!'

Derek Ramsay, sinermunan si Andi Eigenmann: 'Ayusin mo 'yong partner mo!'
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Andi Eigenmann (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang aktor na si Derek Ramsay kaugnay sa isyung kinasangkutan ng celebrity couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Miyerkules, Pebrero 12, pinagsabihan ni Derek si Andi Eigenmann dahil sa umano irresponsible postings nito.

“Kung galit ka, naiintindihan ko ‘yon. Nasa kultura ng Pilipino ‘yon. Mali na nagpa-tattoo sila [Philmar at Pernilla Sjoö] together. Mali. She’s [Pernilla] a foreigner, she didn’t do it with intent to hurt Andi,” saad ni Direk.

“Pati ako nga sinasabihan ngayon,” pagpapatuloy niya. “Nadamay na kami ni Ellen [Adarna] na pati ako ‘Ellen, mag-ingat ka. Agawin si Direk.’ So, do’n magsasalita na talaga ako.”

Pelikula

Dennis, Jennylyn, at Sam inintriga; 'di raw nagustuhan sariling pelikula?

Dagdag pa ng aktor, “Ang unang ayusin mo ‘yong partner mo; ‘yang si Philmar. Ayusin mo ‘yon. Huwag mong ilagay sa publiko. Because you don’t know the action that you did without thinking.”

Matatandaang matapos pumutok ang isyu ng pagpapa-tattoo nina Philmar at Pernilla ay umani ng katakot-katakot na batikos ang dalawa.

Naiulat pa ngang naglabas na umano ng pahayag si Pernilla hinggil sa nasabing isyu ngunit ayon kay Ellen ay galing umano ito sa pekeng account.

MAKI-BALITA: Pahayag ni Pernilla Sjoö, galing sa pekeng account?

Minsan nang nagkasama sa pelikulang “Secret Affair” sina Andi at Derek noong 2012 kasama si Anne Curtis.