Ibinahagi ng Parokya ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda ang larawan at video na kuha sa pagtatanghal nila sa isang pub sa Pasig.
Sa latest Instagram post ni Chito kamakailan, makikita ang larawang nakahiga siya sa enatablado dahil lasing na lasing daw siya.
“Yung naka-2hrs na kayo tumugtog tapos lasing na lasing ka na tapos last song na dapat...biglang may nag request ng Sampip at Wag Mo Na Sana ” saad ni Chito sa caption.
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Buti pa sila, kami dito sa Auckland bitin na bitin."
"Ahhh!!We were there!!! Sobrang solid!Worth it ang pagod, we traveled from Pangasinan pa from 10:00am-6pm ang byahe sa sobrang traffic,commute,habal habal!! Nawala lahat pagod nmin nung nkita namin kayo at nakajam!!"
"Kumpleto tropa "
"So happy to see that our tito’s still having fun performing. Your guys music made our childhood more fun and loved. Maraming salamat Parokya! "
"Napakasayaa, complete pa"
"Sobrang saya! Sobrang solid yung 2 oras! Monday na monday nagiinom kami kasama kayo Salamat, PNE! "