January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Lee O'Brian, binati si Malia; Pokwang sumagot!

Lee O'Brian, binati si Malia; Pokwang sumagot!
Photo Courtesy: Lee O'Brian, Pokwang (IG)

Nagpaabot ng pagbati ang American actor na si Lee O’Brian sa anak nila ni Kapuso comedienne Pokwang na si Malia sa pagdiriwang nito ng kaarawan.

Sa latest Instagram post ni Lee noong Linggo, Enero 19, mapapanood ang video statement ni Lee para kay Malia.

“Happy birthday, my love. Wish you the very best in coming years. Hope it's a lot of fun, hope you make a lot of friends, hope you have a great time, and I hope you celebrate your day well,” saad ni Lee.

Dagdag pa niya, “You know, baby, I love you and I miss you more than anything. And even we're not together, I’ve always been in your heart.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ngunit isang netizen ang nangahas magkomento sa post na ito para ipagtanggol ang American actor kay Pokwang. Aniya, “Pokwang naintindihan namin yung side mo. Baka iba ang pagkaintindi mo sa pagiging ama.”

“Maraming ama na kahit batiin manlang ang anak hindi na inaaksayahan ng oras kase ayaw na nilang makipag communicate at wala na silang pake sa bata emotionally. Kung sa iba palang yan blocked kana dito eh pero hindi nag cocoment kaparin dito,” dugtong pa niya.

Tugon naman ni Pokwang, “Sip sep uten spotted!!! Enabler ng mga inutil! Bwahahahhahaa kwawa!”

Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa kaniyang dating partner noon pang Hunyo 2023. Tuluyang na-deport sa Pilipinas si Lee noong Abril 2024 ayon sa Bureau of Immigration (BI).

MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O' Brian, na-deport na