February 02, 2025

Home SHOWBIZ

Roderick Paulate, binilinan ni Dolphy

Roderick Paulate, binilinan ni Dolphy
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network, Dolphin Quizon (YT)

Ano nga ba ang inihabilin ni comedy king Dolphy kay TV host, actor, at dating Quezon City councilor Roderick Paulate noong nasa set sila ng John en Marsha?

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Roderick na hinimok daw siya ni Dolphy na mag-focus sa comedy.

“Siya ‘yong nagsabi na ‘tawang-tawa kami sa ‘yo, iho. Nak, halika dito, nak. [...] Ayaw mong mag-comedy? Mag-comedy ka na lang,’” paglalahad ni Roderick.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, nagko-comedy naman po ako. [Sabi niya,] ‘hindi ‘yong comedy na ituloy-tuloy mo na. ‘Yong diretso na. ‘Wag ka na munang mag-drama. Kasi kulang na tayo sa comedy.’”

Andrea kinonek new packaging ng beauty products sa mga lalaking 'di nagbabago

Ayon kay Roderick, palipat-lipat daw kasi siya ng genre noong panahong iyon. Minsan, comedy. Minsan naman, drama.

Samantala, kung may sasabihan daw siyang komedyante ng kagaya ng ipinayo ni Dolphy sa kaniya, isa raw si Vice Ganda roon.

“Kaya lang ang gusto kong nangyayari sa kaniya, nagsi-shift na siya, e. Ginagawa na niya dalawa,” aniya.

Pero sa kasalukuyan, wala pa raw siyang nakikitang mas batang nasa industriya na higit na tumututok sa komedya.