January 09, 2025

Home SHOWBIZ

Piolo Pascual, itinuturing na 'daddy' si Mr. M

Piolo Pascual, itinuturing na 'daddy' si Mr. M
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Gonzaga (YT)

Ibinahagi ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ang turing niya kay dating Star Magic emeritus-Starmaker Johnny "Mr. M" Manahan, na consultant na ngayon ng Sparkle GMA Artist Center

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Enero 5, nausisa si Piolo kung sinong artista ang tinitingala niya noong nagsisimula pa lang siya sa industriya.

“Mas sa direktor ako, e. Do’n ako naka-angkla kasi parang ‘yon ang gumaganap na parent for me. Guide. Mr. M,” saad ni Piolo.

“I lost my father when I was 16. So, wala akong father figure. So, when he took me on, siya na talaga ang tumayong tatay ko. Hunks days pa lang,” wika niya.

Tsika at Intriga

Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'

Dagdag pa ng aktor, “Pinapagalitan niya ako, sinusuweto ka niya, and…tatay talaga.”

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga noong minsang may sakit siya at pinipilit daw siyang papasukin ni Mr. M dahil may production number daw sila ni Piolo.

“Alam mo, pumasok ako para gawin natin ‘yong prod. Ta’s umalis na ako kasi request ni Mr. M,” aniya.