Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Eastern Samar nitong Huwebes ng madaling araw, Enero 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:39 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 55 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Sulat, Eastern Samar, na may lalim na 3 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.