Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya Primetime King Coco Martin sa pelikulang “Topakk” ng partner niyang si Julia Montes.
Sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe noong Biyernes, Disyembre 20, sinabi ni Coco na dinaig daw siya ni Julia matapos ang premiere screening ng nasabing pelikula.
“Dinaig ako. Sobrang ganda. Ito ang action. Kumbaga, nakaka-miss,” saad ni Coco.
“Siyempre, thank you sa ‘Topakk’ kasi at least sa December 25…sa mga lalaki, mga barakong-barako, may pelikula silang aabangan,” wika niya.
Dagdag pa ng aktor, “Para sa akin nga e, nag-upgrade. Para siyang pang-international na talaga.
Kaya naman kung ire-rate daw ni Coco ang pelikula from 1 to 100, 1 million ang sagot nito.
Matatandaang sa isang panayam ay nauna nang binanggit ni Julia na proud daw si Coco sa kaniya para sa pelikulang ito na isa sa mga lahok sa darating na 2024 Metro Manila Film Festival.
MAKI-BALITA: Julia Montes, naaksidente sa set ng 'Topakk'
Nakasentro umano ang kuwento ng “Topakk” sa guwardiyang may post-traumatic stress disorder o PTSD na mati-trigger ang emosyon habang pinoprotektahan ang akusadong drug mule.