“ma, pa nasa MRT na ko ”
Ibinahagi ng social media personality na si Mimiyuuuh ang mga kuhang larawan ng bagon ng MRT kung saan tampok ang kaniyang ad.
Sa latest Instagram post ni Mimiyuuuh nitong Linggo, Disyembre 15, sinabi niyang hiniling daw niyang magkaroon ng billboard sa EDSA ngunit tila higit pa ang natanggap niya.
“This year po, I claimed na sana meron akong billboard sa EDSA but I guess mas better pa pala yung ibibigay sa‘tin ng Universe! ” saad ni Mimiyuuuh.
Dagdag pa niya, “LITERAL NA BUONG EDSA PO ANG MAKAKAKITA NG ATING BEWANG ANO PO OPO! Thank you po to my Buscopan Family for always believing in me!”
Sa huli, nakuha pang humirit ng request ni Mimiyuuuh sa netizens. Aniya, “Tag me po if nakita niyo po yung bewang ko hihi! GOOD LUCK THO! Kimmmmyyyyyyyyyyy!”
Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon. Narito ang ilang komento ng mga netizen:
"Waist literally snatched "
"ANG NIPIS MO MHIE KALA KO BRASO"
"Omggg"
"I say deserve mima you really came a long way. "
"ICONIC MIMI "
"Omg kelangan ko mag mrt tuloy!"
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 33k likes ang naturang post.