Ang dating "Tawag ng Tanghalan" (TNT) semi-finalist na si Sofronio Vasquez ang itinanghal na winner ng "The Voice USA."
Inawit ni Sofronio ang "Unstoppable" ni Sia at "A Million Dreams" mula sa pelikulang "The Greatest Showman."
Si Sofronio ay four-chair turner sa blind auditions at pinili niyang maging coach si Michael Buble.
Kabilang din sa mga nakalaban niya sina Danny Joseph, Jeremy Beloate, Shye, at Sydney Sterlace. Nilampaso ni Sofronio ang kaniyang mga kalaban dahil sa kaniyang performances, at online votes na sinuportahan ng Pinoy netizens.
Maiuuwi ni Sofronio ang premyong $100,000 at recording contract.
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez wagi sa The Battles ng The Voice; pinakanta ng US National Anthem!