Nahingan ng reaksiyon ang “Topakk” star na si Enchong Dee kaugnya sa kinasangkutang isyu nina Anthony Jennings at Maris Racal.
Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Sabado, Disyembre 7, sinabi raw ni Enchong na naniniwala siyang malalampasan ng dalawa ang kanilang pinagdadaanan.
“I think, if there's anything I learned from being a 36-year-old, it's to not give comments about other peoples' lives. We're all adults. So feeling ko, kung anuman ang pinagdadanan nila, kakayanin nila,” saad ni Enchong.
Nagkasama sina Enchong at Maris sa pelikulang “Here Comes the Groom” ni Chris Martinez na naging lahok sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival.
Matatandaang nagsimula ang isyung ito nang ilabas ni Jam sa pamamagitan ng Instagram stories ang mga screenshot ng private conversation nina Maris at Anthony.
Samantala, ilang araw matapos pumutok ang isyu, naglabas ng video statement sina Maris at Anthony para humingi ng tawad at ilahad ang kanilang panig.
KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
MAKI-BALITA: Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris