Nagbigay ng pahayag ang kampo ng “wais na misis” na si Neri Naig sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Aureli Sinsuat kaugnay sa pagpapalaya sa kaniya ng korte.
Sa pahayag na inilabas ni Sinsuat nitong Miyerkules, Disyembre 4, kinumpirma niya ang ibinigay na motion to quash ng korte sa warrant of arrest na isinilbi kay Neri.
“We confirm that the Regional Trial Court of Pasay City, Branch 112, has granted our motion to quash the warrant of arrest issued against Neri Miranda,” saad sa pahayag.
Dagdag pa, “The court has also ordered her immediate release from custody, pending the reinvestigation of the case by the Office of the City Prosecutor.”
Kaya naman, kinilala nila ang desisyon ng korteng mabigyang-diin ang konstitusyunal na karapatan ni Neri sa kabila ng isyung kinasangkutan nito.
Ayon sa pahayag, “We appreciate the Court's decision, which underscores Neri's constitutional right to due process. The reinvestigation will provide an opportunity for Neri to respond to the allegations against her. “
Matatandaang nauna nang ibinalita ni showbiz insider Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Updates” ang tungkol sa pagkakadakip ni Neri dahil umano sa paglabag sa Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong "Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons" ng Security of Exchange Commission o SEC.
MAKI-BALITA: Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?
Samantala, ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Nobyembre 27, si Neri umano ang aktres-negosyanteng inaresto ng Southern Police District nitong Martes, Nobyembre 26.
MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'