December 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Maris, friendzone kay Anthony

Maris, friendzone kay Anthony
Photo courtesy: Maris Racal, Anthony Jennings (IG)

Nilinaw mismo ni Anthony Jennings na magkaibigan lang sila ng co-star niyang si Maris Racal, na kasama niya sa upcoming action series nilang "Incognito" kasama sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.

Sa isang ambush interview, inamin na rin kasi ni Anthony na break na sila ng non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva, na matagal na ring usap-usapan dahil sa cryptic posts nito.

Inamin ni Anthony na siya raw ang mag-aayos nito dahil personal na problema nila ito ng dating karelasyon, at siya raw talaga ang may "pagkukulang."

Hindi naman idinetalye ni Anthony kung ano ang binabanggit niyang pagkukulang niya kay Jam. Nakiusap naman siya sa media na huwag na raw sanang guluhin pa ang pribadong buhay ng ex dahil hindi naman ito artista.

Relasyon at Hiwalayan

Karylle, pinagsasalita sa hiwalayan nila noon ni Dingdong

Bukod kay Jam, nakiusap din ang aktor na huwag nang guluhin din si Maris, dahil magkaibigan lang daw sila.

Si Maris kasi ang idinadawit sa kanilang hiwalayan, kasabay rin ng pag-amin nitong hiwalay na sila ng ex-boyfriend na si Rivermaya lead vocalist Rico Blanco.

MAKI-BALITA: Anthony umaming hiwalay na sa jowa, may iginiit tungkol kay Maris