December 27, 2024

Home SHOWBIZ

BINI Colet, bakit binansagang 'Anger?'

BINI Colet, bakit binansagang 'Anger?'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN News and Disney UK (YT)

Ibinahagi ng BINI member na si Colet Vergara ang kuwento sa likod ng pagbansag sa kaniya bilang “Anger.”

Sa special interview series ng “On Cue” nitong Lunes, Nobyembre 11, sinabi niyang natural daw sa kaniya ang pagkakaroon ng gano’ng emosyon.

“Hindi ko nga po alam e,” saad ni Colet. “Pero natural po sa akin na gano’n po, a. [...] Baka Anger talaga siguro ako. Pero hindi naman siguro all the time.”

Matatandaang sa pelikulang “Inside Out” ay isa si Anger sa mga emotion character na responsable kapag nagagalit ang bidang si Riley.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

Samantala, bukod dito, ibinahagi rin ni Colet kung paano niya nababalanse ang natatamong kasikatan sa kasalukuyan.

Aniya, “Parang ‘yong level po na ‘yon do’n lumalabas si Anger talaga. ‘Pag medyo, overboard na po. Medyo ‘yon po ang ‘di ko ma-take talaga.”

“Kasi siyempre kahit sabihin ng ibang tao na ‘pinasok n’yo ‘yan.’ May personal [life] pa rin naman kami,” wika niya.

Dagdag pa niya, dumadating umano sa puntong kahit nasa condo siya at nakapambahay lang ay may mga nagpapa-picture.

Matatandaang minsan nang naging laman ng diskusyon ang tungkol sa personal space at privacy ng BINI dahil sa ilang fans na dumudumog sa kanila.

MAKI-BALITA: 'Nangangatok pa!' BINI Gwen umapelang irespeto privacy

MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit