January 22, 2025

Home BALITA National

POGO operations sa bansa, ipinatitigil na ni PBBM

POGO operations sa bansa, ipinatitigil na ni PBBM
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Official Gazette of the Republic of the Philippines/Facebook

Ipinasa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Executive Order No.4 na nag-uutos ng agarang pagbabawal sa offshore gaming, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2024.

Matatandaang nauna nang inanunsyo ng Pangulo sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2024, ang pagpapatigil sa lahat ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa buong bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH

Inilabas ng Official Gazette nitong Huwebes, Nobyembre 8, ang naturang utos ng Pangulo hinggil sa online operations ng online gamings na walang pisikal na operasyon sa bansa. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Executive Order No. 74, s. 2024 IMMEDIATE BAN OF THE OFFSHORE GAMING, INTERNET GAMING AND OTHER OFFSHORE GAMING OPERATIONS IN THE PHILIPPINES, AND OTHER PURPOSES,” saad nito sa caption. 

Sa ilalim ng naturang kautusan, nakatakda umanong magkaroon ng dalawang komite upang maipatupad ang probisyong nakasaad dito. Isa ang komite para sa Employment Recovery and Reintegration habang ang isa naman ay nakatoka sa Anti-Illegal Offshore Gaming Operations.

Samantala, sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nilang naglabas na ng direktiba ang Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno para sa agarang pagbabawal ng POGO operations.

Nais ni Marcos na paigtingin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine Drug Enforcement Agency, at iba pang law enforcement agencies ang kanilang pagsisikap laban sa POGOs/GLs at iba pang offshore gaming operations and services. 

Kate Garcia, Nicole Therise Marcelo