December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Atom Araullo, nasa 'great relationship'

Atom Araullo, nasa 'great relationship'
Photo Courtesy: Atom Araullo (FB)

Inilarawan ni award-winning Kapuso news anchor/journalist Atom Araullo ang namamagitan sa kanila ng kapuwa niya mamamahayag na si Zen Hernandez.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Oktubre 29, nausisa umano si Atom sa isang panayam tungkol sa special someone na bagama’t  hindi pinangalanan ay malinaw umanong si Zen ang tinutukoy.

“What drew you to her?" usisa ni broadcast-journalist Karmina Constantino.

“Well, I like that she has her own dreams, she has her own life, she has her own career, and priorities…” saad ni Atom. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa palagay din niya, kaya sila nagkamabutihan ni Zen ay dahil  sinusuportahan nila ang isa’t isa at hinahayaan nilang mag-grow ang kanilang mga sarili.

“It’s nice to have someone who understands my work,” lahad ni Atom. “Kasi it can be difficult — the time, the stress, and kahit yung chismis, e.” 

Pagpapatuloy niya: “Nagkakaintindihan kami sa chismis. Alam niya exactly what I’m talking about, and vice versa.”

Sa huli, sinabi ni Atom ang estado ng relasyon nila ni Zen.

Aniya, "So, yeah, it’s a great relationship in that sense.” 

Matatandaang inintriga ng mga netizen ang isang post ni Atom noong 2022 matapos nitong magpaabot ng birthday greeting sa news anchor na si Zen Hernandez.

MAKI-BALITA: May nanalo na? Atom Araullo, binati ang news anchor na si Zen Hernandez